TG Personals

Tgpersonals.net Mga rebyu 2021

Ipinagmamalaki ng site ang pagyakap nito at pagiging bukas sa lahat. Kasama rito ang mga heterosexual, gay/lesbian na user, queer, non-binary, at iba pang miyembro ng komunidad ng LGBTQ+. Ang Tgpersonals.net ay isang site sa dating kung saan ang mga taong interesado sa Pakikipag-date sa Transgender ay maaaring makita ang kanilang hinahanap. Ang lahat ng profile photo na ina-upload ay isasalang sa mano-manong pag-apruba. Nakatutulong ito para maalis ang mga pekeng account at mabawasan ang aktibidad ng panloloko. Bilang resulta, sa Tgpersonals.net, makakikita ka ng mga ligtas at beripikadong account. Ang dagdag na security feature ay sinisiguro na ang mga taong nakakasalamuha mo ay totoo. Ang halaga para sa premium subscription ay nagsisimula sa $44.95.

Function o kung paano gumagana ang Tgpersonals.net?

Sa mga ganitong kaso, may "user lock" feature na nagreresolba ng isyu (hindi ka na makatatanggap ng anumang mensahe mula sa user na iyon). Gayunman, kung sakaling ang user ay magpakita ng hindi kanais-nais o malaswang asal, inirerekomenda naming i-report ang user sa mga moderator.

Ang group chat ay isa ring opsyon sa TG Personals. Hinahayaan nitong magsama-sama ang ilang mga tao at kumonekta sa parehong interes (tulad ng relihiyon, opinyon sa politika, sexual orientation, atbp.). Minsan, mas madali sa mga user ang magbahagi ng impormasyon kapag nasa loob ng isang grupo, kaya magandang paraan ito para magkapalagayan ang loob at magkakilala.

Ang pakikipag-usap sa webcam ay lalong nagiging mahalaga sa kasalukuyan, sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19. Mahirap ang makipagkita nang personal sa isang tao kaya dapat na may maaasahang webchat system para makasalamuha ang isa't isa. Ang TG Personals ay nag-aalok ng live na video chat para makita at makausap mo ang iyong match.

Ang online dating ay hindi iiral nang walang chat o messaging. Ang TG Personals ay nagbibigay-kakayahan sa mga user na magpadala at tumanggap ng imbitasyong makipag-chat. Ang chat ay mayroon ding iba pang feature sa komunikasyon na bibigyan ka ng kalayaang ipahayag ang iyong sarili (kasama rito ang emoji, virtual gift, atbp.).

Bukod sa litrato, puwede kang magdagdag ng maikling video sa profile mo. Isa itong magandang feature para makita at marinig ka ng ibang user. Puwede kang magsabi ng tungkol sa sarili mo––bakit mo ginagamit ang site at ano ang hinahanap mo. Dahit ito ay isang bagong opsyon, mas magiging interesante at kapansin-pansin ang profile mo.

Napakaraming mga user sa TG Personals ang may magkatulad na mga profile at minsan ay mahirap ang makakuha ng sapat na atensyon. Gusto mo bang maging mas visible para makita ka ng mas maraming user? Posible iyon sa site na ito, salamat sa function ng paid priority statement. Makikita mo ang iba pang nauuna sa search para maitampok ang iyong profile.

Puwede kang maghanap at magsala ng mga user sa site base sa mga basic criteria

  • Kasarian ng mga user;
  • Edad ng mga user;
  • Mga user lamang na mayroong profile picture;
  • Mga user na kasalukuyang online;

Dagdag pa sa mga nabanggit sa itaas, may mga nakahandang espesyal na criteria, na maaaring gamitin sa paghanap at pagsala ng users.

Mga bentaha

Puwede mong i-block ang napiling mga user.

May feature ng group chat na puwedeng gamitin. Isa itong kapaki-pakinabang na paraan para makilala ang mga user na may parehong interes.

Ang mga user ay may kakayahang gumamit ng webcam chat para sa mata-sa-matang pakikipag-ugnayan.

Puwedeng kang mag-imbita ng user or sumali sa isang pribadong chat.

Puwede kang gumamit ng advance na search filter para paliitin ang preperensiya mo.

Puwede kang gumamit ng paid highlighting sa iyong profile.

Puwede kang gumawa ng sarili mong video profile kung saan puwede mong ipakilala ang iyong sarili sa iba at ilarawan ang pangarap mong kapareha.

Ang site ay nagbeberipika ng email ng user (para maiwasan ang mga mapanlinlang na account).

Ang mga moderator ay mano-manong nag-aapruba ng litrato ng mga user (para maiwasan ang mapanlinlang na mga account at malalaswang litrato).

Desbentaha

Ang site ay hindi aktibong gumagana, ibig sabihin, maaaring mahirap itong gamitin sa phone at tablet (ang page ay maaaring hindi mag-format para sumakto sa laki ng screen ng device).

Ang site ay walang application ngayon na puwedeng i-download para sa iOS.

Ang TG Personals ay walang application na puwedeng i-download para sa Android.

Opsyon para sa Presyo at Paid Membership - Magkano ang presyo ng pagsali? Ang Tgpersonals.net ba ay libre?

Ang TG Personals ay nag-aalok ng opsyon para sa trial na paid membership.

Ang trial membership na ito ay awtomatikong nire-renew, kaya kailangan mong magkansela bago matapos ang trial period.

Ang TG Personals ay nag-aalok ng opsyon para sa paid membership.

Ang paid membership na ito ay awtomatikong nire-renew, kaya kailangan mong magkansela bago matapos ang paid period kung ayaw mo nang gamitin ang serbisyong ito.

Ang TG Personals ay walang sistemang coin-based, kung saan nagbabayad ka ng actions, tulad ng pagpapadala ng mensahe o virtual gift sa isa pang user.

Mga opsyon sa trial membership

  • 5 Araw ay nagkakahalaga ng $ 7.28;
  • 1 Buwan ay nagkakahalaga ng $ 51.03;

Opsyon para sa Paid Membership

  • 1 Buwan ay nagkakahalaga ng $ 44.95;
  • 1 Buwan ay nagkakahalaga ng $ 51.03;
  • 3 Buwan ay nagkakahalaga ng $ 69.24;
  • 12 Buwan ay nagkakahalaga ng $ 145.69;

Diskuwento at codes ng coupons para sa Tgpersonals.net

Sa ngayon ay walang magagamit na codes ng diskuwento at coupons para sa TG Personals.

Pagpaparehistro - Paano magparehistro sa Tgpersonals.net?

Ang haba ng form sa pagpaparehistro ay katamtaman lang (mayroong 5-10 na kailangang punan, sa maximum).

Mga Application at Mobile Version

Ang dating site na ito ay hindi ginawa nang may mabisang web design. Ibig sabihin, ang format ay puwedeng paiba-iba sa iba't ibang device (mobile phone, tablet) at puwedeng mahirap gamitin. Sa kasamaang-palad, sa ngayon ay wala pang application para sa Android o iOS device.

Privacy at anonymity

Ang pampubliko at pribadong serbisyo ay parehong inaalok sa online dating. Kung ikaw ay isang tao na pinahahalagahan ang anonymity mo at gustong protektahan ang mga impormasyon mo, maaaring mas gusto mo ang pribadong platform. Ang serbisyo ng public dating ay madalas na pinahihintulutan ang lahat, kahit na ang mga hindi rehistradong user, para ma-access ang site at makita ang impormasyon ng mga user nito.

Ang mga user profile ay pribado at kung gayon ay hindi makikita ng kahit na sino na hindi rehistrado sa serbisyo. Kaya naman, walang sinuman kundi ang mga taong gusto mong makasalamuha ang makakikita ng profile at impormasyon mo. Isa itong dagdag na security feature na nakabubuti para protektahan ang iyong anonymity.

Pagpigil sa mga pekeng profiles at panloloko

Kapag nagparehistro ka sa portal ng TG Personals, kailangan mong kumpirmahin ang email na inilagay mo sa pagpaparehistro. Magsisilbi itong pangunahing proteksyon laban sa paggawa ng mga mapanlinlang na profile, at magdadagdag sa pangkalahatang positibo at ligtas na karanasan sa platform.

Ang litrato mo ay isasailalim sa mano-manong pag-apruba ng isang moderator. Kaya naman, maging maingat sa paggamit ng hindi nararapat at malalaswang content. Ang impormasyon na ito ay makikita ng iba pang rehistradong user. Dahil ang TG Personals ay gustong protektahan ang privacy at anonymity ng mga user, hindi inirerekomenda ang paglalagay ng address o personal na numero sa telepono sa site.

Mga Tuntunin at Kondisyon

Ang dating site na ito ay may Tuntuning maaaring ma-access (makikita mo ang link ng mga ito sa main page). Inirerekomenda namin na basahin itong mabuti bago magparehistro. Kahit na maaaring mahaba ang nilalaman, importante ang maging pamilyar ka sa mga ito.

Impormasyon sa pagkontak

Ang dating site na TG Personals ay pinatatakbo ng Infinite Connections Inc., na rehistrado sa United States. Kung gusto mong makipag-ugnayan sa kompanya, maaaring gamitin ang sumusunod na detalye:

  • Pangalan ng kompanya: Infinite Connections Inc.;
  • Punong-taggapan ng kompanya: 865 SW 78th Ave STE A100;
  • Postcode at lungsod: 33324 Plantation;
  • Bansa: United States;

Kanselasyon ng membership - Paano ko kakanselahin ang aking paid account sa Tgpersonals.net?

Ang kanselasyon ay puwedeng gawin online. Kung nagdesisyong bumili ng paid membership, makabubuting malaman kung paano ito kakanselahin. Dahil ang pagbabayad ay awtomatikong ibinabawas sa account mo at ang membership ay nare-renew pagkatapos ng paid period, resolbahin agad ang kanselasyon kapag napagdesisyunan mong hindi mo na ito kailangan.

Kanselasyon ng Account - Paano ko buburahin ang account ko sa Tgpersonals.net?

Ang kanselasyon ng account mo sa TG Personals ay puwede mong gawin nang libre at sa anumang oras. Puwede itong gawin online. Kung hindi mo mahanap ang opsyon para ikansela ang account mo, puwede kang makipag-ugnayan sa customer support, na magpapayo sayo kung paano ito gawin. Ang TG Personals ay nagpapataw ng paid membership, kaya maaaring kailangan mong magkansela ng anumang subscription o paid feature kung magde-deactivate ka o magbubura ng account mo. Ang mga user ay may kakayahang mag-unsubscribe mula sa mga mailing list at iba pang notipikasyon. Ito ay sumisiguro na hindi na sila makatatanggap pa ng anumang balita mula sa TG Personals.

Inilathala ng TG Personals - 9/3/2021
Rating ng TG Personals: 3 /

Mga rebyu at karanasan ng user sa TG Personals

Isulat ang opinyon mo sa TG Personals

Subukang maging objective at ilarawan ang tunay na positibo o negatibong karanasan