TUNGKOL SA AMIN

Sino kami?

Ang Loving.is ay binuo para sa layuning mag-index ng mga dating websites at features ng mga ito, sa paraang sopistikado, madaling ma-access, at magaang gamitin. Ang online dating ay isa nang laganap at mahalagang aspeto ng modernong pamumuhay, at gaya nga ng sabi nila, may isang nakalaan para sa bawat isa. Ngunit paano mo mahahanap ang para sa iyo? Libo-libo ang mga dating websites, kaya naman importante ang magkaroon ng isang index na maingat na isinaayos at sensitibo sa datos na handa para sa mga taong naghahanap ng iba't ibang mga karanasan. Dito kami pumapasok.

Ang aming Misyon

Layunin naming ilatag sa users ang lahat ng maaaring pagpilian para matulungan silang makita ang kanilang hinahanap sa mundo ng online dating. Sa Loving.is, ang mga user ay maaaring mag-search ng mga site base sa mga variable na tutukuyin tulad ng edad, heyograpiya, lengguwahe, presyo, at features ng site. Kami ay hindi tulad ng mga comparators o aggregators. Ang aming malawak na librerya ay nagko-compile at nagrerebyu ng iba't ibang dating platforms na nasa iba't ibang lengguwahe, kaya naman kami ay tunay na internasyonal.

Ano ang aming ginagawa?

Ang aming index ay binubuo ng 55,000 na iba't ibang sites na maaaring i-filter at i-adjust ayon sa preperensiya ng mga user. Pangunahin sa aming serbisyo ang paggamit ng isang sopistikadong model, na mahalaga sa pag-iisa-isa at pag-aanalisa ng mina ng datos na kinakailangan para sa isang kasiya-siyang karanasan. Ang aming machine learning technology ay tinutulungan ang aming site para gumawa ng tuloy-tuloy na pagsusuri sa lahat ng datos na nakokolekta para masigurong ang lahat ng content ay napapanahon at valid.

Ang aming Tech

Ang Loving.is ay pinagagana ng artificial intelligence at algoritmo ng machine learning, na nagbibigay ng isang sistemang kayang umangkop sa pagbabago sa pamamagitan ng pagtukoy sa iba't ibang features sa mga naka-index na site (hal. presyo, kategorya, seguridad) na maaaring piliin ng mga user sa paghahanap ng online dating platform. Ang aming smart tracking ay tumutulong sa aming mag-rank at mag-isa-isa sa bawat site ayon sa mga datos na ito, at sa datos ng mga bisita, para maibigay ang pinakamabuting resulta na natatangi sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isang user. Tulad ng alinmang serbisyo sa ekonomiya ngayon, naniniwala kaming kapag mas mabuti ang teknolohiya, mas mabuti rin ang karanasang ibibigay nito.

Contact

Ang operator ng Loving.is ay:

ATOKADO INC.
  • Rehistro ng kompanya: 91973
  • Address: Trust Company Complex, Ajeltake Road, Ajeltake Island, Majuro, Marshall Islands
  • Postcode: MH 96960
  • Estado: Marshall Islands